Tanza Water District, sa Aming Ika - 27 Taong Anibersaryo
               "Bagong taon , bagong pag-asa , bagong sigla at bagong pagkakataon sa matagumpay na pagsasama." Marso 24, 2015, aming ipinagdiwang ang ika  27 taon naming anibersaryo. kasabay ng araw na ito ang pagbasbas sa pagbubukas ng aming bagong Pump Station 8 sa Christine Village.

           Sa unang bahagi ng pagdiriwang, aming idinaos ang isang Thanksgiving service kasama ang buong pamunuan, Board of directors, at mga empleyado ng TWD. Malugod na nagkantahan ng pasasalamat at nakinig sa magandang balita, mensahe at mga pangako ng Panginoon ang lahat sa pangunguna nila Pastor Fernan T. Cruz at Pastor John Chloe P. Cruz. Sinundan ito ng pagpunta sa Pump Station 8 sa Christine Village upang ito ay bigyan ng basbas at pormal na buksan. Bilang bahagi naman ng  pagtanaw ng pasasalamat sa pagtangkilik at pagsuporta sa aming serbisyo, kami ay namahagi ng munting mga regalo sa aming minamahal na mga concessionaires. para sa huling parter naman ng araw na ito, isang programa ang aming idinaos. dito ay nagkaroon ng tinatawag na SODA (State of the District Address) ang aming butihing GM. Engr. Myrna P. Bobadilla, kung saan malugod niyang ibinahagi ang mga tagumpay, karangalan at mga proyektong pang gawing ng district sa mga susunod pang mga taon. kasama in sa programa ang pagkilala sa mga empleyadong nagkamit at nagpakita ng debosyon at karangalan sa nakaraang taon, na siyang naging inspirasyon para sa lahat upang mas pagbutihin pa ang aming serbisyo at gawain sa mga susunod pang panahon. Nagtapos ang araw ng pagdiriwang sa isang masayang salo - salo at kasiyahan ng bawat isa.

          Tunay ngang hindi matatawaran ang isang matagumpay na pagsasama. Maligayang ika - 27 taong anibersaryo TWD. Higit pang kasiyahan at tagumpay sa susunod pang mga taon!